URI:
   DIR Return Create A Forum - Home
       ---------------------------------------------------------
       NTOT for Grade 5 K to12 BEP
  HTML https://grade5kto12ntot.createaforum.com
       ---------------------------------------------------------
       *****************************************************
   DIR Return to: General Discussion
       *****************************************************
       #Post#: 836--------------------------------------------------
       paano tayo magiging isang responsableng netizen 
       By: ClarisseBlanza Date: June 8, 2017, 4:23 am
       ---------------------------------------------------------
       upang maging isang responsableng netizen dapat na mapanuri sa
       lahat ng pipost sa social media
       #Post#: 1240--------------------------------------------------
       Re: paano tayo magiging isang responsableng netizen 
       By: Gerlie Guanzon Date: September 28, 2017, 1:07 am
       ---------------------------------------------------------
       Think b4 u click.
       #Post#: 1327--------------------------------------------------
       Re: paano tayo magiging isang responsableng netizen 
       By: jerard123456 Date: February 7, 2018, 3:49 am
       ---------------------------------------------------------
       pagiging matapat na tao
       #Post#: 1345--------------------------------------------------
       Re: paano tayo magiging isang responsableng netizen 
       By: Daniella Jane cangayao Date: February 25, 2018, 3:18 am
       ---------------------------------------------------------
       magiging isang responsable tayong netizen sa paraan ng pag ingat
       sa pakikipag salamuha sa mga hindi kilala sa internet at
       pagiging matalino sa pag gamit ng internet, at higit sa lahat
       magiging isang responsable din tayo kung hindi natin ibibigay
       ang lahat ng impormasyon natin upang hindi tayo maging
       mapanganib at pagiging mahinahon sa pakikipag chat para hindi
       tayo makapag bitiw ng mga masasamang salita.
       #Post#: 1352--------------------------------------------------
       Re: paano tayo magiging isang responsableng netizen 
       By: AngelikaAsas Date: March 17, 2018, 12:37 am
       ---------------------------------------------------------
       Upang maging isang responsableng netizen, kinakailangang maging
       mapanuri sa lahat ng impormasyon na ibabahagi sa internet.
       #Post#: 1433--------------------------------------------------
       Re: paano tayo magiging isang responsableng netizen 
       By: Rhiana_22 Date: July 2, 2018, 8:20 am
       ---------------------------------------------------------
       Upang maging responsableng citizen kailangan nating sumunod  sa
       rules & regulations o patakaran😁
       #Post#: 1435--------------------------------------------------
       Re: paano tayo magiging isang responsableng netizen 
       By: Rhiana_22 Date: July 2, 2018, 8:24 am
       ---------------------------------------------------------
       Upang maging responsableng nitizen kailan mong sumunod sa
       patakaran at rules & regulations
       #Post#: 1445--------------------------------------------------
       Re: paano tayo magiging isang responsableng netizen 
       By: jabezjairjunio Date: July 2, 2018, 8:54 pm
       ---------------------------------------------------------
       Anumang bagay na ipost natin sa social media at sa internet ay
       naisasapubliko. Ang isang post ay maaring mabasa ng daan-daan
       nating mga kaibigan. Maari din itong mai-share at umabot sa
       libu-libo, o maging milyun-milyong naka-konekta sa internet.
       Kaya dapat maging maingat tayo sa lahat nang ating mga
       pananalita, mga pictures, at maging sa ating ekspresyon. Tandaan
       na maaaring mabasa ang mga ito ng samut-saring uri ng
       tao — mga kamag-anak, mga kaibigan, maging ng ating
       mga employer. Tandaan na kung ano ang ating reputasyon online,
       ganun din ang kanilang magiging pagkilala sa atin sa tunay na
       buhay.
       Hanggat maaari, iwasang mag-post ng masyadong pribadong mga
       topiko, maseselang litrato at video, at huwag mag-post ng
       nakakasakit o nakakaoffend sa ibang tao lalo na ang patungkol sa
       kasarian, relihiyon, at pulitika.
       #Post#: 1486--------------------------------------------------
       Re: paano tayo magiging isang responsableng netizen 
       By: axel ross jusos Date: July 5, 2018, 8:35 am
       ---------------------------------------------------------
       Bilang maging responsableng Netizen..dapat alam natin kung ano
       ang tama at mali...bago gumawa ng ano mang bagay "think before
       you click" ..lalo na sa social media at huwag mag upload nang
       hindi maganda at walang aral na mga videos o piktyur...maging
       mabuting halimbawa tayo sa lahat nang bagay....
       #Post#: 1487--------------------------------------------------
       Re: paano tayo magiging isang responsableng netizen 
       By: Jaie Zyrene Date: July 5, 2018, 9:32 am
       ---------------------------------------------------------
       Bilang isang responsableng netizen iisipin ko muna ang mga
       isusulat ko bago ko ipost sa social media.Iiwasan kong magpost
       ng larawan ng iba
       *****************************************************
   DIR Next Page